GMA Logo Zyrene Ciervo and Rex Baculfo in The Clash
What's on TV

Zyrene Ciervo at Rex Baculfo ng 'The Clash 2023,' kaya bang tapatan sina Jessica Villarubin at Renz Robosa?

By Jansen Ramos
Published March 21, 2023 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mike Defensor on flood control project anomalies | GMA News
P77M alleged smuggled cigarettes seized in Lanao del Sur

Article Inside Page


Showbiz News

Zyrene Ciervo and Rex Baculfo in The Clash


Inamin ni 'The Clash' judge Christian Bautista na nakulangan siya sa performance nina Zyrene Ciervo at Rex Baculfo sa 'Pares Kontra Pares' round ng 'The Clash 2023.'

Ang Team ZyRex na binubuo nina Zyrene Ciervo at Rex Baculfo ang unang pares na safe sa elimination sa Round 3 ng The Clash 2023 na pinamagatang 'Pares Kontra Pares.'

Samakatuwid, sila ang unang pares na makakapagpatuloy sa laban at makakatungtong sa next round ng kompetisyon.

Inawit nina Zyrene at Rex ang “Pagbigyang Muli” ni Erik Santos sa nakaraang episode ng The Clash 2023 na ipinalabas noong March 19 kung kailan nagbukas ang Round 3.

Komento ni Comedy Concert Queen Aiai Delas Alas sa kanilang performance, "Nakakatuwa kasi ang kanta ng isang soloista ay nakakanta rin pala ng duet although narinig na namin 'to.

"Nakakatuwa kasi gumawa kayo ng sarili n'yong style at saka sa performance n'yo, parang nag-alalayan kayong dalawa, walang nagsapawan. So gano'n, maganda chill lang, tama lang, sakto lang."

Napansin naman ni Asia's Nightingale Lani Misalucha ang chemistry nina Zyrene at Rex on stage.

Aniya, "You look good together...you look very comfortable with each other which is very importante sa mga ganyan na magkakatrabaho kayong dalawa kasi, siyempre, 'pag comfortable kayo sa isa't isa, mailalabas n'yo kung ano ang gusto n'yong ilabas kaya parang nag-show din naman sa inyong performance."

Dagdag ni judge Lani, "Parang may binigay kayong misteryo sa amin na ano ba 'to? Pwede ba silang friends o pwede ba silang lovers? Keep that up and I think you really did a good job."

Sumang-ayon naman ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa sinabi ng kapwa niya hurado.

Ayon kay Christian, naramdaman niya ang emosyon nina Zyrene at Rex. "Very clear beginning to end. Nagtitinginan kayo, may drama pa kayo in the end na may konting lingering, galing," sambit niya.

Pero hindi nakaligtas ang dalawang Clashers sa metikulosong judge.

Kinumpara pa ni Christian ang performance ng Team ZyRex sa past performance ng The Clash season three graduates na sina Jessica Villarubin at Renz Robosa na kumanta rin ng "Pagbigyang Muli" sa 'Pares Kontra Pares' round.

Dugtong na komento ni Christian sa performance ng Team ZyRex, "We've heard this duet before. Kung igu-Google n'yo, nag-standing ovation kami sa duet na 'to before.

"Jessica and Renz sang it also beautifully, close to perfect. Okay naman 'yung duet n'yo pero I can remember sa contest, kung tinatapatan n'yo si Renz at si Jessica now singing duet, mahirap. Clear winner sina Jessica at Renz so we still need more."

Pinayuhan din ni judge Christian ang iba pang Clashers na kailangan pa nilang pag-ibayuhin ang kanilang mga boses sa mga susunod nilang performances.

Panoorin sa video na ito ang duet nina Zyrene at Rex:

Ang The Clash 2023 ay pinangungunahan ng Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Mapapanood ito tuwing Linggo, 7:50 p.m., bago ang KMJS sa GMA 7, at sa YouTube channel/Facebook page ng The Clash at Facebook page of GMA Network via live stream.

Para sa iba pang updates tungkol sa The Clash, bumisita sa GMANetwork.com/TheClash o sa official social media pages ng programa.

Ang The Clash 2023 ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

BAGO ITANGHAL ANG IKALIMANG THE CLASH WINNER, KILALANIN ANG REIGNING THE CLASH GRAND CHAMPION NA SI MARIANE OSABEL SA GALLERY NA ITO: