TV

Vampire Ang Daddy Ko: Magkita kaya ang MaiDen sa Barangay Duguan?

By AEDRIANNE ACAR

Will love reunite Denden and Yay?


AlDub Nation huwag ninyong palampasin ang handog na maagang pamasko ng Vampire Ang Daddy Ko sa darating na December 13, dahil makakasama nina Bossing Vic Sotto at ng mga Ventura ang pinaka-sikat na loveteam na AlDub.

In Photos: Can you name the Kapamilya stars who are big AlDub fans? 

AlDub bibisita sa 'Vampire Ang Daddy Ko?' 

Alamin kung bakit ang karakter na gagampanan ni Alden Richards (Denden) at Maine Mendoza (Yay) ay hindi magkatagpo at paano makakatulong ang mga good vampire sa kanila.

Maging malamig kaya ang Pasko ng mag-asawang Sonya at Daddy Vlad, lalo na at may plano sina Bebe at Omma na pagselosin ang tatay ni Victor?

At itong si Vava gusto siguruhin na hindi magiging masaya ang Pasko sa Barangay Duguan kaya naman may masama itong plano kay Yay na certified good vibes sa barangay.

Tutok na mga Dabarkads sa darating na Linggo ng gabi (December 13) para sa isang masaya at nakakakilig na episode ng Vampire Ang Daddy Ko.

Mark your calendar mga Kapuso!