
Isa si Dominic Ochoa sa mga aktor na napapanood sa top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
inagampanan niya sa serye ang role ni Michael Lobrin, ang lalaking umiibig kay Lyneth (Carmina Villarroel) na tumatayo rin bilang pangalawang ama ni Analyn (Jillian Ward).
Sa online media conference na naganap noong March 29, ibinahagi ni Dominic na lagi raw siyang masaya at excited na magtrabaho kasama ang cast ng GMA series.
Pahayag ni Dominic, “Very very thankful, parang every day, pinagdadasal ko 'yan. I'm very thankful na napasama ako sa show na 'to. Gaya nga ng sinasabi namin, hindi na trabaho ang hinihintay mo, 'yung pagsasama… kasi masaya sa set.
“You'll look forward to going to work because more than 'yung acting, 'yung kainan, sayawan, kulitan, 'yun ang hinahanap na,” dagdag pa ng aktor.
Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Dominic na ramdam na ramdam niyang welcome siya sa show at sa Kapuso Network.
Proud din niyang ibinahagi na one big happy set at happy family ang set at ang buong cast ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Bukod kay Dominic, Carmina, at Jillian, kabilang din sa cast ng programa sina Richard Yap, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Dexter Doria, Wilma Doesnt, Ariel Villasanta, at marami pang iba.
Samantala, abangan kung ano ang susunod na mangyayari sa karakter ni Dominic bilang si Michael sa naturang hit series.
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: www.gmanetwork.com/entertainment/tv/abot_kamay_na_pangarap/home/
SILIPIN ANG KULITAN AT BONDING MOMENTS NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP CAST SA GALLERY SA IBABA: