
Para sa ilang Abot-Kamay Na Pangarap viewers, karma raw ang nangyari kay Zoey (Kazel Kinouchi) sa latest episode ng serye.
Ngayong Biyernes, April 28, natunghayan sa GMA's top-rating series kung paano na-reject si Zoey sa pag-assist sa isang VIP patient sa APEX Medical Hospital.
Habang kausap ni Doc Ray (Chuckie Dreyfus) ang kanilang pasyente, biglang dumating ang anak ng huli.
Gulat na gulat sina Zoey, Doc Ray, at pati na rin si Analyn (Jillian Ward) nang malaman nilang anak ng kanilang VIP patient si Bridgette (Kirsten Gonzales), ang isa sa mga estudyanteng nakasama ng APEX doctors sa isang event.
Agad na ipinakilala ng pasyente si Bridgette sa grupo na nag-aasikaso sa kanyang operasyon.
Kasunod nito, masaya namang ikinuwento ni Bridgette sa kanyang ama na si Analyn ay naging kaibigan niya nang bumisita ang APEX team sa kanilang eskwelahan.
Sinabi rin ng dalaga na mayroong mabuting puso si Analyn at tinulungan siya ng batang doktor nang mahilo siya habang sila ay nasa kalagitnaan ng isang activity.
Matapos nito, sinabi ni Bridgette na gusto niyang isa si Analyn sa mag-assist sa operasyon ng kanyang ama.
Umalma naman si Zoey sa kanyang narinig dahil siya raw dapat ang naka-assign sa pag-assist sa naturang operasyon.
Sa huli, tila walang nagawa si Zoey dahil nakinig ang kanilang VIP patient sa kagustuhan ng kanyang anak na si Bridgette.
Panoorin ang eksenang ito:
Abangan ang mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: