GMA Logo abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Lyneth at Moira, muling magkakaharap

By EJ Chua
Published May 2, 2023 12:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gov’t hospitals on Code White Alert for illness, injury amid Christmas, New Year holidays
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Humanda na sa panibagong gulo na mangyayari sa APEX ngayong Martes sa 'Abot-Kamay na Pangarap.'

Ngayong Martes, May 2, sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, muling magkakagulo sa APEX Medical Hospital.

Maiinit na tagpo ang matutunghayan sa muling paghaharap nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Moira (Pinky Amador).

Matapos ang nangyari sa batang doktor na si Dra. Analyn (Jillian Ward), pupunta si Lyneth sa ospital na pinagtatrabahuhan ng kanyang anak.

Kasama niyang bibisita ang kanyang madrasta na si Aling Susan (Dexter Doria).

Sa pagpunta nila Lyneth at Aling Susan doon, tila mayroon silang malalaman tungkol sa tunay na nangyari kay Analyn.

Kaabang-abang kung paano maririnig ni Aling Susan at ilang sasabihin ni Moira tungkol sa kanyang apo.

Mabubunyag na ba ang sikreto ni Moira na mayroon siyang inutusan at binayaran para hindi matuloy si Analyn sa pag-opera at magkaroon ng diperensya ang kanyang kamay?

Malalaman na rin ba ni Zoey (Kazel Kinouchi) na ang kanyang wicked mother ang may kagagawan kung bakit naaksidente si Analyn?

Samantala, hindi rin dapat palampasin kung ano ang magiging reaksyon ni Madam Giselle (Dina Bonnevie) sa mangyayaring kaguluhan sa kanilang ospital.

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: