
Isang bagong karakter ang mapapanood sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Pinag-uusapan na ngayon sa social media ang pagpasok ng Sparkle actor na si Ken Chan sa seryeng pinagbibidahan nina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Mapapanood ang aktor sa hit GMA series bilang si Dr. Lyndon Javier, isa sa mga doktor sa Eastridge Medical Hospital.
Kasama ni Dr. Lyndon sa naturang ospital ang dating chief resident sa APEX Medical Hospital na si Dra. Katie Enriquez (Che Cosio).
Doon din nagtatrabaho ang tunay na ama ni Doc Zoey (Kazel Kinouchi) na si Doc Carlos (Allen Dizon).
Kasunod ng tuluyang pag-alis ni Doc Analyn (Jillian Ward) sa APEX, makakasama niya sa kanyang bagong workplace si Dr. Lyndon.
Ano kaya ang mangyayari sa kanilang unang pagtatagpo?
Kaabang-abang kung magiging kakampi ba ni Doc Analyn si Dr. Lyndon o isa rin siya sa mga mang-aapi sa batang doktor.
Samantala, isa si Ken Chan sa mga itinuturing na kuya ni Jillian sa mundo ng show business.
Sa katunayan, kabilang ang aktor sa 18 roses sa engrandeng debut ng Abot-Kamay Na Pangarap lead star na ginanap noong February 25, 2023.
Abangan si Ken Chan sa mga susunod na tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG ILAN PANG CELEBRITIES NA NAPANOOD AT MAPAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: