
Mayroong bagong karakter na malapit nang mapanood sa trending na afternoon program na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa susunod na episodes ng serye, makikilala ang aktres at Bubble Gang star na si Sam Pinto bilang psychiatrist sa Eastridge Medical Hospital.
Kaabang-abang kung ano ang magiging koneksyon niya sa pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn (Jillian Ward) at sa ina ng huli na si Lyneth (Carmina Villarroel).
May maitutulong kaya siya sa mag-inang Lyneth at Analyn?
Matatandaang isinugod sa ospital si Lyneth matapos siyang masagasaan habang kasama niya ang kaibigan ng kanyang anak na si Nurse Karen (Eunice Lagusad).
Sa episode na ipinalabas ngayong Biyernes, May 12, napanood na muling pinagtangkaan ni Moira (Pinky Amador) ang buhay ni Lyneth habang naka-confine ang huli sa Eastridge.
Samantala, ilan sa mga unang napanood bilang guests din sa serye ay sina Gabby Eigenmann, Melissa Mendez, Arny Ross, Pekto, Betong Sumaya, Max Collins, Legaspi siblings na sina Mavy at Cassy Legaspi, at marami pang iba.
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
KILALANIN ANG IBA PANG NAPANOOD BILANG GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: