GMA Logo Abot-Kamay Na Pangarap cast in Tiktoclock
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' stars, nakisaya at nakipagkulitan sa 'TiktoClock'

By EJ Chua
Published May 17, 2023 4:27 PM PHT
Updated May 17, 2023 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

AiAi Delas Alas sells wedding, engagement rings to Boss Toyo: ‘Para may closure na rin’
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Abot-Kamay Na Pangarap cast in Tiktoclock


Pinky Amador, Che Cosio, Eunice Lagusad, Denise Barbacena, at Ken Chan, nakasama ang Tiktropa.

Time out muna sa drama ang ilang Abot-Kamay Na Pangarap cast.

Sa episode ng variety show na TiktoClock na ipinalabas ngayong araw, May 17, nakisaya sa Tiktropa ang ilang cast ng GMA's top-rating drama series na sina Pinky Amador, Che Cosio, Eunice Lagusad, at Denise Barbacena.

Game na game silang nakilaro sa mga Tiktropa at hinati sila sa dalawang grupo.

Ang naging magkakampi ay sina Pinky at Eunice, at sa kabilang grupo naman ay nagkasama sina Che at Denise.

Sabay na nilaro ng magkalaban na players ang isa sa mga sikat na laro sa TiktoClock.

Ang nagpalagay ng blindfold ay sina Eunice at Denise, habang sina Pinky at Che naman ang naging coaches ng kanilang mga kakampi.

Nang matapos na ang happy time, ang nagwagi ay ang green team na pinangunahan nina Che at Denise.


Matapos nito, nakipagkulitan at nakipagkwentuhan pa ang cast sa Tiktropa.

Sa kalagitnaan ng show, ginawa rin nila ang 'Sang Tanong, 'Sang Sabog,' kung saan nakasama rin nila ang isa sa mga aktor na napapanood ngayon sa serye na si Ken Chan.

Kasalukuyang napapanood sa Abot-Kamay Na Pangarap sina Che at Denise bilang sina Dra. Katie at Dra. Eula.

Samantala, sina Pinky at Eunice naman ay kilala sa kanilang mga karakter sa hit GMA series bilang sina Moira at Nurse Karen.

Ang aktor naman na si Ken Chan ay napapanood sa programa bilang si Doc Lyndon, ang katrabaho ni Doc Analyn (Jillian Ward) sa Eastridge Medical Hospital.

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG ILANG GUEST ACTORS NA NAPANOOD SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: