GMA Logo Chuckie Dreyfus
What's on TV

Chuckie Dreyfus, nagpaliwanag sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers

By EJ Chua
Published June 29, 2023 6:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bianca, Kelvin, Faith, at Angel, ibinahagi kung paano hinarap ang mga kritisismo
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Chuckie Dreyfus


Chuckie Dreyfus bilang si Doc Ray sa #AbotKamayNaPangarap: “Kalma lang po... Hindi po masama si Doc Ray…”

Ang aktor na si Chuckie Dreyfus ay kasalukuyang napapanood sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa katatapos lang na episode na may hashtag na #Paghahabol, napanood ang pagdidiskusyon nina Doc Ray at Moira, ang karakter ni Pinky Amador sa serye.

Sa naturang episode, nahuli ni Moira na may naba-violate si Doc Ray dahil ipinamimigay nito ang mga gamot na malapit nang ma-expire upang hindi raw basta na lang masayang.

Napanood din na dahil naipit siya sa sitwasyon ay na-blackmail siya ni Moira.

Dahil sa nangyari, napilitan siyang kausapin si Lyneth (Carmina Villarroel) at sabihin dito na huwag na sana nilang kausapin o lapitan si Doc RJ (Richard Yap).

Matapos ipalabas ang episode, nagpost ang aktor na si Chuckie sa kanyang social media accounts upang magpaliwanag sa mga manonood tungkol sa mga ganap ng kanyang karakter.

Sulat niya sa caption,“O, kalma lang po mga ka-AKNP [Abot-Kamay Na Pangarap] at Susanatics ha. Hindi po masama si Doc Ray. Kita n'yo naman po sa latest episode na naipit lang po sa sitwasyon."

Paliwanag pa niya, "Matagal niyo na pong alam na mabait si Doc Ray, kaya alam n'yo po na nasaktan, nahirapan, at napilitan po siya sa kinailangan niyang gawin."

Dagdag pa niya, “Marami pa pong magaganap sa susunod na episodes kaya kapit lang. 'Wag po magalit kay Doc Ray. Kay Moira na lang hehehe. 'Wag po sana personalin. Artista lang po na sumusunod sa takbo ng istorya.”

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

KILALANIN ANG MGA SUMUSUPORTA KAY DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: