GMA Logo Abot Kamay Na Pangarap stars
Courtesy: jeffmoses (IG) and chuckiedreyfus (IG)
What's on TV

Jeff Moses and Chuckie Dreyfus celebrate first taping anniversary of 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published July 3, 2023 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Abot Kamay Na Pangarap stars


Happy Anniversary, Team Abot-Kamay Na Pangarap!

Ipinagdiriwang ng Abot-Kamay Na Pangarap stars ang isang taon na pagkakabilang nila sa cast ng ngayo'y GMA's top-rating drama series.

Sa latest post nina Jeff Moses at Chuckie Dreyfus sa kanilang social media accounts, ibinahagi ng mga aktor na anniversary na ng serye.

Sa post ni Jeff makikita ang mga larawan niya habang kasama ang isa sa lead stars ng serye na si Jillian Ward.

Kakabit ng mga larawan ay ang kanyang caption na, “Isang taon na pala noong ako'y na-cast sa Abot-Kamay Na Pangarap. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang.”

Kasunod nito, ipinagpasalamat niya ang pagkakabilang niya sa serye, at nagpasalamat din siya sa mga taong kasama niya sa naturang programa.

Ayon kay Jeff, “Maraming Salamat Panginoon sa biyaya na ito. Sa direktor namin at sa aming boss, at sa mga tao na bumubuo ng show na ito. Sa co-actors ko at siyempre sa onscreen partner ko Jillian Ward, sa pagtulong sa akin lagi since day 1. Walang Reagan ngayon kundi dahil sa inyong lahat.”

Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa GMA Network at sa Sparkle.

Sabi niya, “Thank you rin GMA Network, Sparkle GMA Artist Center sa tiwala! Mahal ko kayong lahat.”

Tinapos ni Jeff ang kanyang post sa pagbati sa kanilang team, “Happy 1 year, Team #AbotKamayNaPangarap.”

Bukod kay Jeff, nagpost din ang aktor na si Chuckie tungkol sa kanilang first taping anniversary.

Sa post ng aktor, makikita ang kanyang script na mayroong caption na, “Happy 1st taping day anniversary, #AbotKamayNaPangarap”

Patuloy na tumutok sa nangungunang drama series sa GMA Network. Abangan pa ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream. Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye sa page na ITO.

SILIPIN ANG KULITAN MOMENTS NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP CAST SA GALLERY SA IBABA: