GMA Logo Jeff Moses as Reagan in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Jeff Moses, nanghingi ng payo sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' viewers tungkol sa karakter niyang si Reagan

By EJ Chua
Published July 6, 2023 4:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Jeff Moses as Reagan in Abot Kamay Na Pangarap


Netizens kay Jeff Moses sa #AbotKamayNaPangarap: “Go Reagan... 'wag ka patalo, ikaw pa rin ang knight in shining armor ni Doc Analyn.”

Isa ang Sparkle star na si Jeff Moses sa nagpapakilig sa viewers ng GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Napapanood siya sa hit afternoon Kapuso serye bilang si Reagan Tibayan, ang isa sa close friends ni Doc Analyn, ang karakter ni Jillian Ward.

Bukod sa pagiging kaibigan ni Doc Analyn, isa rin si Reagan sa mga humahanga at nagkakagusto sa pinakabatang doktor sa bansa.

Dahil hindi lang siya ang nag-iisang gustong manligaw sa karakter ni Jillian na si Analyn, nagtanong ang aktor na si Jeff sa netizens kung ano ang pwede niyang gawin upang siya ang mapansin ng doktor.

Sa Facebook, nanghingi ng payo si Jeff sa fans at viewers ng serye.

Mababasa sa kanyang post, “Daming umaaligid kay Doc ah. Paano kaya 'pag magpapogi si Reagan?"

Kasunod nito, nagtanong din siya sa netizens sa comments section ng kanyang Facebook post.

Tanong ni Jeff, “Gupit kaya no?,” “Or paretoke si Reagan? Hahaha biro lang po.”

Samu't saring reaksyon at sagot mula sa netizens ang natanggap ng aktor tungkol sa paghingi niya ng payo para sa kanyang karakter.

Ang mga karibal ni Reagan kay Doc Analyn ay sina Harry (Raheel Bhyria), Doc Lyndon (Ken Chan), at Mico (Michael Sager).

Abangan kung may pag-asa ba si Reagan kay Doc Analyn sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime. Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye RITO.

SILIPIN ANG SWEET MOMENTS NINA REAGAN AT DOC ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: