
Talagang inabangan ng viewers ng Abot-Kamay Na Pangarap ang pinakabagong episode ng top-rating drama series ngayong Miyerkules.
Halos pumalo ng 180,000 viewers ang livestream ng Abot-Kamay Na Pangarap sa GMA Network YouTube nitong July 26.
Habang pinapalabas online sa Kapuso Stream ang trending serye ay nagtalaga ito ng 178,000 at 179,000 viewers sa isang parte.
Sa episode ng Abot-Kamay Na Pangarap ngayong Miyerkules ay natunghayan na ni Doc RJ Tanyag (Richard Yap) ang tunay na ugali ng kanyang asawa na si Moira (Pinky Amador). Pinaiyak din ang mga manonood nang umakyat si Doc Analyn sa stage para samahan ang kanyang inang si Lynette at sabayan sya sa pagkanta.
Panoorin muli ang nakaka-antig na eksenang ito rito:
Abangan ang mga susunod pang mga pangyayari sa Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang drama series online via Kapuso Stream.
LOOK: CAST OF ABOT-KAMAY NA PANGARAP AT THE GMA GALA 2023