GMA Logo Jillian Ward and Ken Chan
What's on TV

Ken Chan, pinupuri ng netizens sa kanyang husay sa pag-arte sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published July 31, 2023 7:25 PM PHT
Updated July 31, 2023 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Ken Chan


Taas-kamay ng mga humahanga rin kay Ken Chan sa kanyang role sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'.

Kilala si Ken Chan bilang isa sa mahuhusay na aktor sa Philippine entertainment industry.

Mas napatunayan pa ito ni Ken nang mapabilang siya sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Kasalukuyang napapanood ang Sparkle actor sa naturang hit series bilang si Doc Lyndon Javier.

Sa pagpapatuloy ng istorya nito, natutunghayan ng mga manonood ang mga eksena ni Doc Lyndon habang patuloy itong nalululong sa isang masamang bisyo.

Napanood sa previous episodes ng serye kung paano niya sinusubukang labanan ang epekto ng kanyang bisyo.

Natunghayan din ang mga eksena nila ni Doc Analyn (Jillian Ward) at iba pang mga karakter sa serye habang sinusubukan nilang alamin kung ano ang nangyayari kay Doc Lyndon.

Samantala, labis na napansin ng viewers at netizens ang kakaibang husay ni Ken Chan pagdating sa pag-arte.

Ang ilan, hindi napigilang mag-react sa kanyang nakabibilib na talento.

Panoorin ang mga eksenang ito:

Patuloy na subaybayan ang karakter ni Ken Chan sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:

TINGNAN ANG LOOKS NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP CAST SA GMA GALA 2023 SA GALLERY SA IBABA: