GMA Logo Kazel Kinouchi Carmina Villarroel Dina Bonnevie
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Zoey, lalo pang kinabahan nang mahuli siya nina Lyneth at Giselle

By EJ Chua
Published August 12, 2023 6:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Qantas Airbus A350 jet flies 24 hours nonstop from Australia to France
#SONA2026 Business owners, experts welcome Marcos' proposed tax cuts
Ate, walang patawad kung manlait kay bunso | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kazel Kinouchi Carmina Villarroel Dina Bonnevie


Naabutan nina Lyneth at Madam Giselle si Zoey sa Eastridge!

Sunud-sunod na problema na ang kinakaharap ni Zoey (Kazel Kinouchi) sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Napuno na ng kaba ang puso ni Zoey dahil sa sunud-sunod na pagdududa ng mga tao sa kanyang paligid.

Sa katatapos lang na episode ng serye, nahuli nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Madam Giselle (Dina Bonnevie) na nakikipag-usap si Zoey kay Doc Carlos (Allen Dizon).

Habang nag-uusap tungkol sa pagiging mag-ama nila, biglang dumating sina Lynetha at Madam Giselle.

Kasunod nito, agad na umisip ng palusot ang mag-ama upang manatiling sikreto ng tunay na ugnayan nila.

Sinabi ni Zoey na nag-a-apply siya sa ospital.

Sinundan naman ito ni Doc Carlos na totoo raw na kaya naroon si Zoey ay balak nitong mag-apply sa Eastridge Medical Hospital.

Matapos nito, agad na siyang umalis ngunit hindi niya inaasahan na susundan siya ni Madam Giselle.

Tila may pagdududa si Madam Giselle sa mga sinabi ng kanyang pamangkin.

Panoorin ang eksenang ito:

Patuloy na subaybayan ang karakter ni Kazel sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: