GMA Logo Richard Yap and Carmina Villarroel
Courtesy: GMA Network
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Doc RJ at Lyneth mata-trap nang magkasama dahil sa lindol

By EJ Chua
Published August 24, 2023 1:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

16k cybercrimes logged since 2024 due to Pinoys' increased awareness – CICC
Travelers flock at terminals on Christmas Eve
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap and Carmina Villarroel


Doc RJ, mapapahamak habang kasama si Lyneth? Abangan sa #AbotKamayNaPangarap!

May aftershock na magaganap sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Matutunghayan ngayong Huwebes, August 24, kung paano susubukan ng mga karakter sa serye na iligtas ang kanilang mga sarili at mga kasamahan mula sa panganib na dala ng lindol.

Sa bagong episode, isa-isang gagawa ng paraan ang mga karakter kabilang na si Doc Analyn (Jillian Ward) upang manatili siyang ligtas.

Susubukan naman siyang hanapin ni Doc Lyndon (Ken Chan).

Samantala, makukulong naman sa isang kuwarto sina Doc RJ (Richard Yap) at Lyneth (Carmina Villarroel).

Dahil sa sobrang gulo na ng sitwasyon, mahihirapang makahingi ng tulong sina Lyneth at Doc RJ.

Habang nasa loob ng isang silid, mapapahamak si Doc RJ dahil sa aftershock ng lindol.

Ano kaya ang gagawin ni Lyneth para matulungan si Doc RJ?

Narito ang ilang pasilip sa episode na ipapalabas mamaya:

Huwag palampasin ang mga eksena nina Lyneth at Doc RJ sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.