GMA Logo Abot-Kamay Na Pangarap cast
Courtesy: GMA Network
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' celebrates first airing anniversary

By EJ Chua
Published September 5, 2023 2:04 PM PHT
Updated September 5, 2023 6:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Abot-Kamay Na Pangarap cast


Maraming Salamat sa isang taon na mainit na pagsuporta sa 'Abot-Kamay Na Pangarap,' mga Kapuso!

Isang taon na ang nakalipas nang unang ipinalabas ang first episode GMA's medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Kilalang-kilala sila ng mga manonood bilang mag-ina sa serye na sina Lyneth at Analyn.

Bata man o matanda ay hindi maikakailang hook na hook sa istorya at mga karakter na napapanood sa naturang afternoon series.

Sa "Chika Minute" report ni Lhar Santiago para sa 24 Oras kagabi, September 4, inilahad na mapupuno ng intense scenes ang anniversary week ng Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa isang panayam, ibinahagi ng lead star ng serye at Sparkle star na si Jillian ang ilan sa mga dapat abangan sa linggong ito, “Sa latest episodes po namin nagiging okay na po si Zoey (Kazel Kinouchi) at si Analyn. So, ano naman po kaya ang mangyayari kay Analyn at Moira? Pagtatanggol na po ba siya ni Zoey?”

Bukod dito, dapat din daw abangan ang pag-cross over ni Doc Analyn sa primetime series na Royal Blood.

Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: