GMA Logo Jillian Ward and Manilyn Reynes
What's on TV

Jillian Ward, nag-soundtrip sa 'Mr. Disco' ni Manilyn Reynes

By EJ Chua
Published September 15, 2023 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Manilyn Reynes


Napaindak si Doc Analyn este si Jillian Ward bago ang eksena nila ni Manilyn Reynes sa #AbotKamayNaPangarap.

Hindi maikakaila na sobrang nag-enjoy ang pinakabagongg guest actress sa Abot-Kamay Na Pangarap na si Manilyn Reynes sa set ng serye.

Napanood si Manilyn sa naturang medical drama bilang si Aling Melba, isa sa mga pasyente ngayon sa Eastridge Medical Hospital.

Nito lamang September 14, ibinahagi ni Manilyn sa Instagram ang isang video, kung saan mapapanood si Doc Analyn (Jillian Ward) na sumasayaw habang pinapatugtog nito ang kanta ng una na 'Mr. Disco.'

Game na game si Doc Analyn sa pagsayaw habang ang ilang crew naman ay kumakanta.

Ayon sa caption ni Manilyn, “Si Doktora Analyn, nag-sound trip muna ng “Mr. Disco” bago ang eksena namin."

Dagdag pa niya, "Napaka-cute e, mula noon hanggang ngayon [heart emoji]. Love you, 'nak @jillian. Thanks din po sa lahat ng staff and crew sa pag-sing, hihi #AbotKamayNaPangarap."

A post shared by manilynreynes27 (@manilynreynes27)

Sa comments section ng post ng veteran actress at singer, mababasa ang message ni Jillian.

Sabi ng lead star kay Manilyn, “Syempre! Ganda po ng boses ni nanay ko eh.”

Sa previous episodes ng serye, natunghayan ang ilang intense na mga eksena nina Doc Analyn at Aling Melba.

Si Doc Analyn ay kilala ngayon sa showbiz bilang Star of the New Gen habang si Manilyn naman ay nakilala noong '90s sa industriya bilang Star of the New Decade.

Bago magkasama sa Abot-Kamay Na Pangarap, naging magkatrabaho na noon sina Jillian at Manilyn sa ilang programa.

Kabilang na rito ang GMA shows na Daldalita at My BFF.

Photo by: manilynreynes27 (IG)

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.