
Kamakailan lang, napanood online ang ilan sa cast ng Abot-Kamay Na Pangarap habang nagre-react sa videos na ipinasa ng TikTok content creators na sumali sa Abot-Kamay Na Auditions.
Kabilang sa mga napanood sa reaction video ay sina Jillian Ward, Richard Yap, Pinky Amador, Chuckie Dreyfus, Ken Chan, Eunice Lagusad, at marami pang iba.
Matapos nilang mapanood ang lahat ng entries, pumili sila ng winners sa first batch ng audition.
Ang kanilang mga napili ay makakasama nila sa ilang mga eksena sa hit GMA series.
Itinanghal na winners sa unang batch ng audition ang content creators na sina @kuyachichi, @herbertubaldo, at @markfajardo1654.
Bukod sa cast, naaliw din ang netizens sa kanilang entries.
Sa video na ipinadala ni @kuyachichi, mapapanood na nagbihis doktor siya at umarte na parang si Jillian Ward (Doc Analyn).
Mayroon pang kasama ang content creator sa video na gumanap bilang kanyang pasyente.
Ang content creator naman na si @herbertubaldo, ni-reenact ang ilang eksena ni Richard Yap na gumaganap sa serye bilang si Doc RJ Tanyag.
Sa entry naman ni @markfajardo1654, ni-reenact niya ang mga eksena ni Ken Chan na napapanood bilang si Doc Lyndon Javier.
Panoorin ang kanilang entries sa video sa ibaba:
@gmanetwork CONGRATULATIONS, @kuyachichi, @herbertubaldo, @markfajardo1654! Sila ang mga Kapusong naabot na ang mga pangarap dahil nakapasa sila sa Abot Kamay Na Auditions! Hindi pa huli ang lahat, first batch of winners pa lang 'yan! Sali na and post your entries! *Para sa mga nanalo, hintayin lamang ang private message ng GMA Network sa TikTok para sa detalye ng taping schedule. #AbotKamayNaAuditions #AbotKamayNaPangarap ♬ original sound - GMA Network
Sali na sa next batch ng Abot-Kamay Na Auditions.
Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.