
May bagong guest star sa patuloy na nagte-trending at top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Siya ay ang musical artist at aktor na si Gian Magdangal.
Sa previous episodes ng serye, natunghayan ng viewers ang paglabas ng karakter ni Gian.
Napapanood siya sa medical drama series bilang isa sa mga negosyanteng may kaugnayan sa APEX Medical Hospital.
Sa ilang mga eksena, napanood na napahiya ang mga Tanyag dahil kinumpirma niya na hindi na ibebenta ang APEX kina Lolo Pepe (Leo Martinez), Madam Giselle (Dina Bonnevie), at Doc RJ (Richard Yap).
Kakampi nga ba siya ni Moira (Pinky Amador)?
Abangan ang iba pa niyang mga eksena sa susunod na episodes ng serye.
Samantala, ilan sa mga unang napanood bilang guests din sa serye ay ang Legaspi siblings na Mavy at Cassy Legaspi, Arny Ross, Pekto, Betong Sumaya, Max Collins, at marami pang iba.
Silipin ang ilang eksenang mapapanood mamaya sa serye:
Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: