GMA Logo Ken Chan, Jillian Ward, Abot-Kamay Na Pangarap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap,' pinarangalan sa Anak TV Awards

By EJ Chua
Published December 9, 2023 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Ken Chan, Jillian Ward, Abot-Kamay Na Pangarap


Congratulations, Team 'Abot-Kamay Na Pangarap!'

Maituturing na big winner ang GMA Network sa Anak TV Awards 2023.

Ilang Kapuso programs at artists ang pinarangalan dito kabilang na ang GMA's top-rating afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Kinilala ang naturang hit series bilang Household Favorite Television Program ngayong 2023.

Ang Abot-Kamay Na Pangarap ay Anak TV Seal Awardee rin sa ilalim ng Television Category.

Bukod sa nasabing awards, kinilala rin ng award-giving body ang kontribusyon at husay ng ilang mga aktor sa serye.

Kabilang na rito ang isa sa lead stars na si Jillian Ward na kilala sa serye bilang si Doc Analyn, ang pinakabatang doktor sa bansa.

Naiuwi ng tinaguriang Star of the New Gen na si Jillian ang parangal na Makabata Star 2023.

Ang Sparkle star naman na si Ken Chan na kilala sa serye bilang si Doc Lyndon ay kinilala rito bilang Net Makabata Star 2023.

Bukod kay Ken, natanggap din ng Kapuso Chinito actor na si Richard Yap (Doc RJ) ang kaparehong award sa ilalim ng Male Online Category.

Samantala, matatandaang unang buwan ng taong ito, kinilala bilang Television Drama of the Year ang Abot-Kamay Na Pangarap sa 2023 Platinum Stallion National Media Awards.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: