GMA Logo Dina Bonnevie for Abot kamay na pangarap
What's on TV

Abot-Kamay na Pangarap: Giselle, desperada nang makuha ang atensyon ni Justine

By EJ Chua
Published January 5, 2024 12:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Dina Bonnevie for Abot kamay na pangarap


Magkaayos pa kaya ang mag-ina na sina Giselle at Justine? Abangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Kasalukuyang pinag-uusapan ang mga karakter nina Dina Bonnevie at Klea Pineda sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Ngayong Biyernes, January 5, 2023, matutunghayan ang ilang mga eksena ng karakter ni Dina na si Madam Giselle.

Magiging desperada na si Giselle sa atensyon ng kanyang anak na si Justine, ang karakter ni Klea.

Hiling ng una na magkaroon siya ng pagkakataon na makausap at makasama ang kanyang anak kahit sa kaunting panahon lamang.

Matatandaang nagkalayo ang mag-ina nang sukuan ni Giselle si Justine noong bata pa ang huli dahil hindi pa niya kayang buhayin ang kanyang anak na mag-isa.

Sa previous episodes ng serye, pinag-usapan na ng pamilya ni Giselle ang tungkol sa last will and testament ni Lolo Pepe (Leo Martinez).

Samantala, may pag-asa pa kayang magkaayos sina Giselle at Justine?

Ano kaya ang mangyayari sa buhay nina Moira (Pinky Amador) at Zoey (Kazel Kinouchi) matapos silang mabigo sa mga mamanahin kay Lolo Pepe?

May magawa pa kaya sila tungkol dito?

Silipin ang ilang eksenang mapapanood ngayong Biyernes sa video sa ibaba:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: