GMA Logo Klea Pineda
What's on TV

Abot-Kamay na Pangarap: Justine, itatalagang bagong Vice President ng APEX?

By EJ Chua
Published January 10, 2024 1:20 PM PHT
Updated January 10, 2024 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda


Ano kaya ang tunay na motibo ni Justine? Subaybayan ang karakter ni Klea Pineda sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Unti-unti nang nagkakaroon ng pag-asa si Giselle (Dina Bonnevie) tungkol sa kanyang anak sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sa nakaraang episode ng serye, napanood kung paano pinigilan ni Giselle ang kanyang anak na si Justine (Klea Pineda) sa pagbalik nito sa ibang bansa.


Inalok ni Giselle ang kanyang anak na sa kanilang ospital na APEX Medical Hospital na lamang magtrabaho.

Dahil sa napag-usapang kondisyon, hindi na umalis si Justine sa Pilipinas.

Pumayag si Giselle sa hiniging kondisyon ng kanyang anak na magkaroon ng mataas na position sa APEX.

Sa bagong episode na mapapanood ngayong Miyerkules, January 10, 2024, matutunghayan ang susunod na mga eksena ni Justine sa loob ng ospital.

Matutunghayan din ang pagtatalo nina Giselle at ng kanyang kapatid na si RJ, ang karakter ni Richard Yap sa serye.

Tama kaya ang naging desisyon ni Giselle?

Panoorin sa ibaba ang ilang pasilip na eksena sa episode na ipapalabas ngayong Miyerkules:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: