GMA Logo euwenn mikaell
What's on TV

Euwenn Mikaell, kinagigiliwan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published January 11, 2024 6:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

euwenn mikaell


Patuloy na napapanood ang award-winning child star na si Euwenn Mikaell sa 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Patuloy na napapanood sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap ang Sparkle star na si Euwenn Mikaell.

Sa naunang episodes ng serye, nakilala na ang kanyang karakter na si Andoy, ang batang naging ka-close ni Justine (Klea Pineda) sa isang event at kalaunan ay itinuring niyang little brother ng huli. Malapit din siya sa mommy ni Justine na si Madam Giselle (Dina Bonnevie).

Kasalukuyang pinag-uusapan ng viewers si Euwenn at pati na rin ang role niya sa serye.

Ayon sa comment ng isang netizen, “Good job, Andoy.”

Kamakailan lang, mas naging maingay ang pangalan ni Euwenn nang mapanood siya pelikulang Firefly, isa sa mga naging kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival o MMFF.

Sa "Gabi ng Parangal" ng annual film festival, itinanghal si Euwenn bilang Best Child Performer para sa naturang pelikula.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: