GMA Logo Klea Pineda Jillian Ward Kazel Kinouchi,
What's on TV

Abot-Kamay Na Pangarap: Analyn, naiipit sa away nina Zoey at Justine

By EJ Chua
Published February 12, 2024 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News

Klea Pineda Jillian Ward Kazel Kinouchi,


Sino kaya ang paniniwalaan ni Analyn kina Zoey at Justine?

May pag-asa pa kayang magkaayos sina Zoey at Justine sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap?

Ang Kapuso actresses na sina Kazel Kinouchi at Klea Pineda ay napapanood sa serye bilang sina Zoey at Justine.

Sila ang dalawa sa tatlong apo ni Lolo Pepe, ang karakter ni Leo Martinez.

Sa previous episodes nito, natunghayan na mula pa noong dumating si Justine sa APEX Medical Hospital, hindi na maganda ang pakikitungo sa kanya ni Zoey.

Dahil sa hindi maayos na pagtrato sa kanya ni Zoey, naiirita na rin ang una sa huli.

Sa sunud-sunod na alitan ng dalawa, tila naiipit na ang batang doktor na si Analyn Santos, ang role ni Jillian Ward sa serye.

Sa Abot-Kamay Na Pangarap live today, February 12, 2024, napanood na isinumbong ni Justine si Zoey kay Analyn.

Nakita kasi ni Justine na kausap ni Zoey si Dax, ang lalaking naging kasabwat ni Moira (Pinky Amador) sa pagdukot noon kay Lolo Pepe.

Nang komprontahin nila Analyn at Justine si Zoey, muli na namang nagsinungaling ang huli.

Ano pa kaya ang susunod na pagtatalunan ng mga apo ni Lolo Pepe?

Samantala, sagutin ang poll na ito:

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye tuwing hapon, ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: