GMA Logo pinky amandor
source: pinkyamador/IG
What's on TV

Moira Tanyag, nag-react sa mga sinasabi ng 'Abot-Kamay na Pangarap' viewers

By Kristian Eric Javier
Published February 22, 2024 5:41 PM PHT
Updated February 23, 2024 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

pinky amandor


Alamin ang reaction ni Pinky Amador sa mga komento sa kaniyang karakter na si Moira Tanyag

Hindi maipagkakaila na isa si Moira Tanyag sa mga pinaka-iinisang kontrabida sa GMA Afternoon Prime. Siya ang pangunahing kontrabida sa Abot-Kamay na Pangarap, na ginagampanan ni Pinky Amador.

Dahil sa kanyang kasamaan, hindi mapigilan ng mga mganonood na mag-comment laban sa karakter.

Kaya naman, hinarap ni Pinky ang mga comments sa kaniyang karakter at nagbigay ng kaniyang reactions at mensahe sa ilan sa mga ito sa Moira Reacts ng GMA Pinoy TV Exclusives.

Sa X (dating Twitter), sinabi ng user na si @JhenDigal13 na ang Abot-Kamay na Pangarap at karakter ni Pinky rito na si Moira ang nagpapasaya sa kaniya ngayon.

“'Yong kahit na inis na inis ka sa character niya, at the same time, nakakatawa ang mga meme,” sabi niya.

Sagot naman ni Pinky, tama lang na makita ng mga tao ang buong karakter ni Moira at hindi lang "puro sungit, hindi lang puro scheming.”

Dagdag pa niya, "Para siyempre nabibigiyan din siya ng hustisya, hindi ba? Ako, I had fun playing that. Pero mahirap siya."

KILALANIN PA SI PINKY AMADOR, ANG GUMAGANAP SA KARAKTER NI MOIRA SA GALLERY NA ITO:

Tinawag naman na “epal” ng user na si @cdnmjunnie ang karakter ni Pinky na si Moira, isang bagay na sinang-ayunan naman ng beteranong aktres. Nagbigay pa siya ng munting paalala tungkol sa ugaling ito.

“Bad iyan. Huwag na huwag ninyo siyang gagayahin. Moira is an example of what not to do in life,” ani ni Pinky.

Gigil na gigil naman ang user na si @shiningtwicexo sa mag-inang sina Moira at Zoey (Kazel Kinouchi) at sinabing wala nang patutunguhan ang mag-ina.

“Ang sarap talaga katayin nitong mga kontrabidas sa Abot-Kamay na Pangarap,” pagpapatuloy niya.

Kahit pinanggigigilan ay pinasalamatan ni Pinky ang netizen.

Aniya, “Ang ibig sabihin niyan, tumpak na tumpak po ang aming pagkukuwento at dalang-dala po kayo. Maraming salamat po riyan.”

Ang user naman na si @gladzilla7, nag-suggest na palitan na ang titulo ng serye dahil sa pagiging “pabida” ni Moira.

“Palitan na kaya natin ang title nitong Abot-Kamay na Pangarap? Moira the Destroyer na lang since laging si Moira ang bida,” sabi niya.

Sagot naman ni Moira, ay hindi dapat mag-alala ang mga manonood dahil “darating at darating din ang karma sa buhay ni Moira.”

Paninigurado ni Pinky sa mga manonood, “Maaabot pa rin ng ating mga bida, si Jillian Ward, si Doc Analyn Santos at si Carmina Villarroel, si Lyneth Santos ang kanilang mga pangarap sa buhay.”

Sa huli ay nagbigay ng maiksing mensahe ng pasasalamat si Pinky sa mga Global Pinoys para sa patuloy na suporta sa kanilang serye.

“Maraming maraming salamat po sa inyong suporta sa amin, sa aming show. Nawa magpatuloy pa po kami at magbigay ng magandang kuwento po sa inyo. And I hope that you are all safe and doing well. Have a great year ahead,” sabi niya.

Panoorin ang buong video ng reactions ni Pniky dito:

Para mapanood ang full episodes ng Abot-Kamay na Pangarap overseas, mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, the Home of Global Pinoys. Bisitahin lang ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa detalye.