
Kasalukuyang napapanood ang Kapuso heartthrob na si John Vic De Guzman sa hit afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Ginagampanan ni John Vic sa serye ang karakter ni Doc Ken Prado, isa sa mahuhusay na doktor sa APEX Medical Hospital.
Kamakailan lang, nag-post ang Sparkle actor sa Instagram tungkol sa kanyang role.
Ilang larawan niya bilang si Doc Ken ang ibinahagi sa kanyang Instagram followers.
TRIVIA: Things You Didn't Know about Kapuso hotlete John Vic De Guzman
Kakabit ng mga larawan ay ang kanyang katanungan na, "Kung ako ang magiging doctor mo, ano ang ipapagamot mo?"
Sa comments section ng kanyang post, mababasa ang ilang sagot ng netizens at kanyang followers.
Hindi rin nagpahuli sa pagsagot ang co-stars ni John Vic sa serye na sina Che Cosio at Wilma Doesnt.
Sagot ni Che, “Asawa kong gusto mag-motor Doc!”
Komento naman ni Wilma, “Doc masakit po ang katawan ko… Pwede pong magpa-check kung ilang cm na ako!”
Napapanood si Che sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Dra. Katie, habang si Wilma naman ay kilala rito bilang si Josa.
Samantala, bago maging aktor, isang sikat na atleta si John Vic.