
Isang epidemya ang paparating sa hit GMA medical-drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Napakalaking pagsubok ang kailangan harapin ng pinakabatang doktor sa bansa na si Doc Analyn Santos (Jillian Ward).
Bukod sa kanya, buong tapang din itong haharapin ni Doc Lyndon Javier (Ken Chan).
Related gallery: Jillian Ward, Ken Chan spread kilig vibes in Japan
Matutunghayan sa susunod na episodes ng serye ang mga eksena nina Doc Analyn at Doc Lyndon habang kasama ang kapwa nila mga doktor.
May magawa kaya ang dalawang doktor upang mapigilan ang mabilis na pagkalat ng virus?
Samantala, makakasama nila sa pagpaplano sa pagsugpo nito sina Doc Eula Sarmiento (Denise Barbacena), nurse Karen (Eunice Lagusad), at marami pang iba.
Sino-sino kaya ang makakaligtas?
Mayroon nga bang babawian ng buhay?
Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: