GMA Logo Dominic Ochoa, Denise Barbacena, Abot Kamay Na Pangarap cast
Courtesy: GMA Network
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' stars, naging emosyonal sa last taping nina Dominic Ochoa at Denise Barbacena

By EJ Chua
Published April 24, 2024 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Ochoa, Denise Barbacena, Abot Kamay Na Pangarap cast


Mami-miss namin kayo sa 'Abot-Kamay Na Pangarap,' Michael at Doc Eula!

Kamakailan lang, dalawang karakter ang nagpaalam na sa hit GMA medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Sila ay sina Michael at Doc Eula, ang roles nina Dominic Ochoa at Denise Barbacena sa serye.

Sa isang online exclusive video, mapapanood na personal na nagpaalam sina Dominic at Denise sa kanilang co-stars.

Sa unang parte ng video, makikitang nakatanggap ng sorpresa at cakes ang dalawang aktor.

Matapos nito, mapapanood na naging emosyonal sina Dominic at Denise habang nagpapasalamat at nagpapaalam sa kanilang mga naging katrabaho.

Habang nagsasalita, hindi rin napigilan nina Doc Analyn (Jillian Ward), Doc Zoey (Kazel Kinouchi), at iba pa na makaramdam ng lungkot tungkol dito.

Nagwakas ang istorya ng kanilang mga karakter nang masawi sila dahil sa virus na tampok ngayon sa serye.


Matatandaang bago ang pagpapaalam nina Dominic at Denise, nauna nang magpaalam sa serye si Lolo Pepe, ang naging karakter ni Leo Martinez sa serye.

Patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye na Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: