
Seryoso man sa harap ng camera para sa kani-kanilang mga karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap, walang humpay na kulitan moments naman ang mayroon sa set ng serye kapag naka-break time sila sa pagte-taping.
Kamakailan lang, na-prank si Carmina Villarroel ng ilan sa kanyang co-stars na sina Jillian Ward at Chuckie Dreyfus.
Habang naghihintay sa set, si Jillian dapat ang ipa-prank ni Chuckie ngunit agad siyang nabuking ng una.
Kaya naman nagkampihan na lang ang dalawa at mabilis na nagplano kung paano nila ipa-prank si Carmina.
Ang ginamit nila sa pang-good time kay Carmina ay si 'Larry,' ang toy cockroach na paboritong gamitin ni Chuckie kapag siya ay nagpa-prank sa kanyang pamilya.
Sa reel na in-upload ni Chuckie sa Instagram, mapapanood kung paano nila ginulat at tinakot si Carmina gamit ang laruan.
Sulat niya sa caption, “Larry (da ipis) meets Lyneth @mina_villarroel Hahaha! Napag-utusan lang po ako ni @jillian.
Mapapanood na napatayo sa upuan at napahiyaw si Carmina sabay sabing, “OMG… nakakainis… Sabi ko pa naman sa 'yo, Chuckie, thank you ha hindi mo ako ginu-goodtime, hindi mo ako pine-playtime.”
Sa isang interview, inamin ni Carmina na sobrang takot siya sa mga ipis.
Samantala, patuloy na subaybayan ang karakter nina Carmina, Jillian, at Chuckie sa award-winning series.
Abangan ang susunod na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: