GMA Logo Morgana Go, Pinky Amador, Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

'Abot-Kamay Na Pangarap' character na si Morgana Go, bumisita sa 'Unang Hirit'

By EJ Chua
Published July 10, 2024 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Morgana Go, Pinky Amador, Abot Kamay Na Pangarap


Ang daming time ng 'Abot Kamay Na Pangarap' character na si Morgana Go.

Nitong Miyerkules ng umaga July 10, napanood si Morgana Go (Pinky Amador) bilang espesyal na bisita sa morning show ng GMA na Unang Hirit.

Si Morgana Go ay isa sa mga karakter sa award-winning medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Nakipagkwentuhan si Morgana kina Lyn Ching at Matteo Guidicelli, ilan sa miyembro ng Unang Hirit Barkada.

Sinagot niya ang tanong ng bayan kung saan nga ba siya galing.

Aniya, “Basta ang naaalala ko lang ay lumaki ako sa farm…”

Sinagot din niya ang tungkol sa koneksyon ng karakter niya ngayon kay Moira Tanyag.

Bilang si Pinky, game na game naman itong sumalang sa Emote-Control Challenge.

Isa sa mga pinagaya sa aktres ay ang emosyon ni Doc Analyn (Jillian Ward) sa isang larawan.

Samantala, iisa nga lang ba sina Morgana Go at Moira Tanyag?

Abangan ang susunod na mga eksena ni Pinky sa pinaka pinag-uusapang serye ngayon sa telebisyon at maging sa social media.

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng Abot-Kamay na Pangarap dito.

Related gallery: Abot-Kamay Na Pangarap: Pinky Amador's iconic looks as Moira