
Nitong August 28, opisyal nang pumirma ng management contract ang Korean actor na si Kim Ji Soo sa Sparkle GMA Artist Center.
Kasalukuyan siyang napapanood sa award-winning medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Kilala siya rito bilang si Dr. Kim Young, ang oppa doctor na katrabaho ngayon ni Dra. Analyn Santos (Jillian Ward), ang youngest doctor sa bansa.
Sa latest episode ng serye, napanood ang action scene nina Dr. Kim at ng tauhan ni Moira/Morgana (Pinky Amador) na si Gilbert (Mark Herras).
Natunghayan ang intense na pag-aagawan nila ng baril sa loob ng APEX Medical Hospital.
Sa dulong parte ng episode na ipinalabas ngayong Martes, ipinasilip na nagtungo si Dr. Kim sa venue ng kasal nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc RJ (Richard Yap).
Pumunta siya roon upang magbigay ng babala tungkol kay Carlos (Allen Dizon).
May maitutulong kaya si Dr. Kim sa nagbabadyang panganib?
Samantala, bago pa mapabilang sa cast ng Abot-Kamay Na Pangarap, napanood na rin si Kim Ji Soo bilang guest actor sa katatapos lang na drama action series sa GMA na Black Rider.
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.