GMA Logo Kim Ji Soo in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Kim Ji Soo at Jillian Ward, hindi na ba nagkakailangan sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'?

By EJ Chua
Published September 14, 2024 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH cancels opening of Davao City road project
Lee Victor, Iñigo Jose express admiration for Caprice Cayetano: 'She's like an angel'
BTS's Jin brings cocktail collab into the spotlight at fan event

Article Inside Page


Showbiz News

Kim Ji Soo in Abot Kamay Na Pangarap


Kumusta na kaya ngayon si Kim Ji Soo sa set ng 'Abot-Kamay Na Pangarap?'

Ang South Korean star na si Kim Ji Soo ang pinakabagong aktor na napapanood ngayon sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Kung nung una ay medyo naga-adjust pa, ngayon ay tila mas kumportable na si Ji Soo sa set ng award-winning medical drama series.

Sa latest Chika Minute report sa 24 Oras, inilahad na malaki ang naitulong ng lead star na si Jillian Ward sa kanyang bagong co-actor.

Sa tulong umano ni Jillian, relaxed at wala nang ilangan ngayon sa mga eksena nila ng Korean Sparkle artist.

Pahayag ng aktor, “I'm used to... with this environment, especially Jillian [Ward], she helped me a lot to get used to the set.”

Sabi naman ng Sparkle actress, “We saw that Ji Soo is really nice…”

Sa kalagitnaan ng interview, nagkabiruan pa ang dalawa habang inilalarawan ng Star of the New Gen si Ji Soo.

“He's really nice and the whole Abot-Kamay Na Pangarap family saw that, so we started to really love him and care for him.”

RELATED CONTENT: Captured moments on the set of 'Abot-Kamay Na Pangarap'

Sina Jillian at Ji Soo ay kilalang-kilala ngayon ng viewers bilang sina Dra. Analyn Santos at Dr. Kim Young.

Ano pa kaya ang mangyayari sa kanilang mga karakter sa hit afternoon series?

Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

Maaari n'yo ring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.