
Sa Unang Hirit livestream na ipinalabas sa GMA nitong September 26, 2024, ipinasilip ang ilang naging pangyayari sa pagbisita nina Shaira Diaz at Kaloy Tingcungco sa set ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Isa sa mga naabutan doon nina Shaira at Kaloy ay si Lyneth (Carmina Villarroel).
Habang nagkukwentuhan, inamin ni Carmina na nakakaramdam na siya ng separation anxiety dahil nalalapit na ang pagtatapos ng serye.
Sabi ng Kapuso actress, “Ayoko ngang isipin na matatapos na kami kasi nase-sepanx na ako. Ano kasi ako… clingy.”
Ayon pa sa kanya, naging pamilya na talaga ang turingan nila ng kanyang co-stars at mga katrabaho rito.
“Umpisa pa lang, nag-jive na talaga lahat, wala akong problema sa kanila. Para talaga kaming isang pamilya,” pahayag ng aktres.
Bukod dito, sinabi ni Carmina na marami pang dapat abangan sa award-winning medical drama na kanyang kinabibilangan.
Talaga namang sinulit nina Shaira at Kaloy ang pagbisita nila sa set ng naturang serye.
Habang naka-break sa taping, nakasama nila sa pagti-TikTok sina Kazel Kinouchi, Pinky Amador, at ang bida rito na si Jillian Ward.
Samantala, patuloy na tumutok sa pinag-uusapang serye.
Mapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap tuwing Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: