BALIKAN: 'Abot-Kamay Na Pangarap' scenes na nag-viral online

Bukod sa patuloy na pinag-uusapan ng mga manonood ang GMA inspirational-medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap,' humahakot din ng million views ang videos ng serye sa Facebook.
Hindi maikakailang maraming tagos sa pusong mga eksena ang talaga namang tumatak sa mga manonood ng programang ito, na pinagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Jillian Ward at Carmina Villarroel.
Narito ang listahan ng ilang mga eksena sa 'Abot-Kamay Na Pangarap' na viral ngayon sa social media.














