Abot-Kamay Na Pangarap: Banat lines ni T'yang Susan sa Susanatics, kinagigiliwan ng viewers

Kinagigiliwan ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers at ng netizens ang karakter ng veteran actress na si Dexter Doria sa naturang GMA's top-rating drama series.
Napapanood si Dexter sa programa bilang si Aling/T'yang Susan, ang madrasta ni Lyneth (Carmina Villarroel) at Lola ni Analyn (Jillian Ward).
Dati siyang salbahe ngunit nang magbago siya ay muli niyang nakasama ang dalawa.
Sa pagdaan ng panahon, si T'yang Susan na ang isa sa mga naging tagapagtanggol ng mag-inang Lyneth at Analyn.
Silipin at balikan ang ilang gigil moments at mga banat lines ni T'yang Susan sa gallery na ito.













