'Abot-Kamay Na Pangarap' cast at crew, nagdaos ng New Year party

Nag-time out muna sa taping ang cast at crew ng hit GMA series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'
Nagdaos ang buong team ng isang bonggang party para sa lahat kaugnay ng pagpasok ng panibagong taon.
Dumalo sa naturang event ang lead actresses ng serye na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward, na kilala bilang mag-ina na sina Lyneth at Analyn.
Bukod sa kanila, dumating din sa event ang iba pa nilang co-stars, tulad na lamang nina Richard Yap, Pinky Amador, Kazel Kinouchi, Chuckie Dreyfus, Ken Chan, at marami pang iba.
Silipin sa gallery sa ibaba ang ilang larawan ng Team 'Abot-Kamay Na Pangarap' mula sa katatapos lang na special event.












