'Black Rider' cast, nakipagkulitan kay Doc Analyn sa set ng 'Abot-Kamay Na Pangarap'

Maraming Pinoy viewers ang talaga namang excited sa major crossover ng dalawang shows na napapanood ngayon sa GMA.
Ang shows na ito ay ang medical drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap' at action series na 'Black Rider.'
Bago ang nalalapit na crossover, abala na ang cast members ng dalawang shows sa pagte-taping.
Sa set ng 'Abot-Kamay Na Pangarap,' nakunan ang kulitan moments ng ilang 'Black Rider' actors habang ka-eksena nila si Jillian Ward na gumaganap bilang Doc Analyn sa serye.
Silipin ang ilang funny moments ng cast ng dalawang show sa gallery na ito.





