Sa katatapos lang na episode ng Abot-Kamay Na Pangarap, natunghayan ang pagpapatalbugan ng kagandahan nina Lyneth at Moira.
Nang magkasama sila para sa isang photoshoot, buong loob na ibinida ni Moira ang kanyang gold na gown na kalaunan ay nalaman niyang hindi raw akma sa tema ng pictorial.
Habang nagmamaganda si Moira, pansin na pansin naman ang taglay na kagandahan ni Lyneth.
Kaninong ganda ang mas angat?