GMA Logo Wilma Doesnt
What's on TV

Wilma Doesnt, mapapanood sa 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published August 15, 2022 1:18 PM PHT
Updated February 28, 2023 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte: Let’s build a more compassionate PH
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Wilma Doesnt


Ano kaya ang role ni Wilma Doesnt sa pinakabagong GMA afternoon drama na 'Abot Kamay Na Pangarap?' Alamin DITO:

Kasunod ng official announcement para sa upcoming GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, ipinakilala na rin ang star-studded cast ng bagong programa.

Ang seryeng ito ay pagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Ilan naman sa supporting actors na mapapanood dito ay sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Pinky Amador, Chuckie Dreyfus, at Wilma Doesnt.

Makikilala rito si Wilma bilang si Josa, ang mabuting kaibigan ni Lyneth Santos, ang karakter na gagampanan naman ni Carmina.

Siya ang buong pusong susuporta at direktang magbibigay ng mga payo kay Lyneth pagdating sa personal na buhay nito.

Kahit pagtitinda lamang ang kanilang ikinabubuhay, gagawin niya ang lahat upang damayan at pahalagahan si Lyneth at ang anak nito na si Analyn, na gagampanan ng young actress na si Jillian Ward.

Abangan ang susunod na pambansang BFF na si Josa (Wilma Doesn't) sa pagpapalabas ng Abot Kamay Na Pangarap, ngayong Setyembre na, sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: