
Bukod sa napakagandang istorya ng Abot Kamay Na Pangarap, kaabang-abang din ang mga aktor na mapapanood sa bagong GMA Afternoon Prime drama series.
Isa na rito ang aktor na si Dominic Ochoa, na uling mapapanood sa GMA Network makalipas ang halos dalawang dekada.
Sa katatapos lang na online media conference ng serye, ibinahagi ni Dominic ang kaniyang naramdaman nang makapagtrabaho siyang muli sa Kapuso Network.
Pagbabahagi ni Dominic, “Masaya, steady lang tayo rito, palaging nakangiti ang mga tao. 'Yung pag-welcome ramdam na ramdam ko agad. From the staff, crew, the artists as well… So, nakakaengganyo magtrabaho. Siyempre, noong una… panibagong bakod to, e, but I felt really welcomed. Na-welcome talaga ako ng maigi, lalo nung unang araw ko pa lang.”
Kasunod nito, nabanggit din niya na masaya ang buong cast habang nasa lock-in taping para sa serye.
“One big happy set, happy family. Malaking bagay kasi 'yun diba, kapag magaan ang set, magaan ang trabaho.”
Bago pa ito, una nang ibinahagi ni Dominic sa isang panayam ng GMANetwork.com na masaya siya nang malaman niyang makakatrabaho niyang muli ang aktres at TV host na si Carmina Villarroel.
Mapapanood si Dominic sa Abot Kamay Na Pangarap bilang si Michael Lobrin, ang matulungin at may mabuting puso na boss ni Lyneth (Carmina Villarroel).
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: