GMA Logo jllian ward
What's on TV

Jillian Ward, nagpasalamat sa mga tumutok sa 'Abot Kamay Na Pangarap' pilot episode

By EJ Chua
Published September 6, 2022 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

jllian ward


Taas-kamay ng mga nakapanood ng unang episode ng bagong GMA drama series na 'Abot Kamay Na Pangarap!'

Kasunod ng matagumpay na launch ng GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, nagpaabot ng pasasalamat si Jillian Ward sa mga tumutok sa pilot episode ng serye.

Sa pamamagitan ng isang video, kapansin-pansin ang labis na kasiyahan ni Jillian habang bumabati sa mga Kapuso.

Pagbati niya, “Mga Kapuso, thank you so much po for watching the pilot episode of Abot Kamay Na Pangarap. Pero, simula pa lang po ito at abangan n'yo po ang iba pa naming episodes and enjoy.”

Ilang minuto matapos ang pilot episode na ipinalabas kahapon, September 5, nag-trending sa social media ang Abot Kamay Na Pangarap.

Sa pilot episode, ipinakilala na ang mag-ina na sina Lyneth at Analyn, ang mga karakter na ginagampanan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.

Nakilala na rin ng mga Kapuso sina Josa (Wilma Doesnt), Susan (Dexter Doria), at ang dream guy ni Lyneth na si Dr. Roberto “RJ” Tanyag (Richard Yap).Insert link:

Patuloy na subaybayan ang Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: