
Sa ikatlong episode ng Abot Kamay Na Pangarap, nagtagpo na ang landas ng mga babae sa buhay ni Dr. RJ Tanyag (Richard Yap).
Nang samahan ni Analyn (Heart Ramos) ang kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel) sa check-up nito, isang malditang batang babae ang kaniyang nakabungguan.
Siya si Zoey Tanyag (Kyle Ocampo), ang anak ni Dr. RJ Tanyag sa asawa nito na si Moira (Pinky Amador.
Habang si Analyn ay nakikipagtalo kay Zoey, nakita ni Lyneth ang ama ng kaniyang anak sa mismong ospital kung saan siya nagpatingin tungkol sa kaniyang karamdaman.
Noong una ay nagtago siya at umiwas ngunit kalaunan ay naisip niyang hanapin at lapitan ito.
Habang hinahanap niya ito, isang mayamang babae ang kaniyang nakaharap, ang asawa mismo ni Dr. RJ Tanyag na si Moira.
Panoorin ang pagtatagpo ng apat na babae sa buhay ni Dr. RJ Tanyag DITO:
May kakaiba nga bang naramdaman sina Lyneth, Moira, Analyn, at Zoey nang magkita-kita sila?
Kailan kaya nila malalaman ang tunay nilang koneksyon sa isa't isa?
Abangan ang mga susunod na tagpo sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood na sa September 5, sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: