
Noong nakaraang linggo sa Abot Kamay Na Pangarap, umikot ang kuwento ng serye sa pangarap ng batang henyo na si Analyn (Heart Ramos).
Nang makilala niya si Dr. RJ Tanyag (Richard Yap), mas lalong na-inspire si Analyn na maging isang doktor.
Abot Kamay Na Pangarap: Ambitious dream
Sa murang edad, mulat si Analyn sa mga pinagdadaanan nila ng kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel).
Dahil sa karamdaman ng kaniyang ina, patuloy siyang nagsusumikap para magkaroon ng pambili ng mga gamot at mga kailangan nito.
Abot Kamay Na Pangarap: Young dream
Sa kabila ng mga pangungutyang natatanggap ni Lyneth, sunud-sunod na paghanga naman ang narinig ni Analyn mula sa kaniyang ina at sa mga tao sa kaniyang paligid.
Dahil sa kakaiba at hindi pangkaraniwang talino na taglay ni Analyn, tila nagkaroon ng pag-asa si Lyneth na magpatuloy sa buhay upang tulungan ang kaniyang anak na tuparin ang pangarap nito.
Abot Kamay Na Pangarap: Batang Henyo
Matapos matuklasan ng isang TV researcher ang kaniyang katalinuhan, sumailalim sa psychological test si Analyn at doon na napatunayan na isa siyang tunay na genius.
Kasunod nito, nakatanggap siya ng offer mula kay Dr. RJ Tanyag tungkol sa scholarship ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natupad.
Sa kabila ng malungkot na pangyayari, to the rescue naman ang kaibigan ni Lyneth na si Michael (Dominic Ochoa) upang tulungan si Analyn na makabalik muli sa pag-aaral.
Abot Kamay Na Pangarap: Iskolar
Dahil isa na siyang iskolar, nakabalik na si Analyn sa pag-aaral ngunit hindi na bilang isang elementary student kundi isa na siyang 3rd year high school student.
Abot Kamay Na Pangarap: High school life
Magagamit nga ba ni Analyn ang kaniyang katalinuhan sa pag-abot niya ng kaniyang pangarap na maging isang doktor?
Patuloy na subaybayan ang Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: