
Sa episode ng Abot Kamay Na Pangarap na ipinalabas kahapon, September 21, nakilala na ng mga Kapuso ang bagong Analyn Santos.
Mula sa pagiging isang henyong bata (Heart Ramos), isang matalino at masipag na medical student na si Analyn (Jillian Ward).
Nang makabalik na sa medical school matapos ang kanilang Christmas break, muling nasubukan ang kaniyang katalinuhan nang saluhin niya sa class recitation si Zoey (Kazel Kinouchi), ang anak nina Moira (Pinky Amador) at Dr. RJ Tanyag (Richard Yap).
Matatandaang noong bata pa lamang siya, napatunayan sa isang psychological test na isang tunay na genius si Analyn.
Matapos nito, tinulungan siya ng kaibigan ni Lyneth (Carmina Villarroel) na si Michael (Dominic Ochoa) na makabalik sa pag-aaral.
Malayo man ang kaniyang edad sa kaniyang mga kaklase, patuloy na pinapatunayan ni Analyn na kayang-kaya niya makipagsabayan sa mga ito
Panoorin ang episode na ito:
Malapit na nga bang matupad ni Analyn ang kaniyang pangarap na maging isang doktor?
Patuloy na subaybayan ang kaniyang kahanga-hanga at nakaaantig na istorya sa Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: