
Mga Kapuso, napanood n'yo ba ang kulitan ng mag-inang Lyneth at Analyn (Carmina Villarroel at Jillian Ward) habang pinagti-tsismisan ang pamilya Tanyag?
Sa isa sa episodes ng Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood kung paano pinagkuwentuhan nina Lyneth at Analyn ang mga ugali nina Moira (Pinky Amador, Zoey (Kazel Kinouchi), at Dr. RJ Tanyag (Richard Yap).
Noong bata pa lamang si Analyn, iniidolo niya si Dr. RJ Tanyag, ngunit matapos siyang husgahan at maliitin nito ngayong dalaga na siya, nagbago na ang tingin niya rito.
Makalipas naman ang ilang panahon, tila nagbago ang ihip ng hangin sa pagitan nina Lyneth at Moira.
Nang una silang magkita sa ospital, nagkasagutan sila noon habang nasa isang event.
Mula nang araw na iyon, natandaan na nila ang isa't isa hanggang sa muli silang magkita.
Nagkaroon man sila ng hindi pagkakaintindihan noon, magkaibigan na ang turingan ngayon ng nanay ni Analyn at mommy ni Zoey.
Sa katunayan nga, si Moira ang nagpasok kay Lyneth sa isang restaurant upang magkaroon ito ng maayos na trabaho.
Habang maayos ang kanilang pagkakaibigan, si Analyn naman ay kasalukuyang pinagtutulungan nina Dr. RJ at ang anak nito na si Zoey.
Panoorin ang tsismisan nina Lyneth at Analyn sa video na ito:
Patuloy na subaybayan ang inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: