GMA Logo Carmina Villarroel and Jillian Ward in Abot Kamay Na Pangarap
What's on TV

Abot Kamay Na Pangarap: Analyn as a doctor and as a daughter | Week 5

By EJ Chua
Published October 12, 2022 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

September Christmas in PH? Partly due to mall culture, Jose Mari Chan, says experts
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Carmina Villarroel and Jillian Ward in Abot Kamay Na Pangarap


Balikan ang mga naging kaganapan sa ikalimang linggo ng 'Abot Kamay Na Pangarap' DITO:

Noong nakaraang linggo sa inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, sunud-sunod na pagsubok ang napagtagumpayan ni Analyn (Jillian Ward).

Marami mang nagbago sa kaniyang buhay mula nang siya ay maging doktor, ginagawa pa rin niya ang lahat upang maging isang mabuting anak sa kaniyang ina na si Lyneth (Carmina Villarroel).

Sa nagdaang kaarawan ni Lyneth, sinorpresa nila si Analyn sa ospital dahil gusto niya itong makasama.

Ngunit sa kalagitnaan ng kasiyahan ay nakialam si Zoey (Kazel Kinouchi) at sinumbong niya si Analyn sa kanilang mga boss.

Balikan sa video sa ibaba ang eksena kung paano nanggulo si Zoey sa simpleng selebrasyon ng kaarawan ni Lyneth:

Matapos makialam, isang party naman ang inihanda ni Zoey hindi lang para sa kaniyang sarili kundi para ipahamak si Analyn.

Habang nasa party, sinadyang lasingin ni Zoey si Analyn hanggang sa nakagawa na ito ng mga hindi magagandang bagay na nakuhanan pa ng video ng ilang staff sa ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan.

Panoorin sa video sa ibaba kung paano napahiya si Analyn sa kaniyang chief resident at sa mga katrabaho niya sa APEX Medical Hospital:

Matapos niyang malaman na sinadya ni Zoey ang lahat, naging palaban na si Analyn.

Sa kabila ng kaniyang murang edad, tila natuto na si Analyn na huwag magpaapi kay Zoey at sa iba pang mga kasama niya sa ospital.

Napanood din ng mga Kapuso na tila nagseselos si Zoey kay Analyn dahil akala niya ay may gusto si Dr. Luke (Andre Paras) sa batang doktor.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.

Abangan ang mas kapana-panabik na mga eksena sa inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: