
Mula noong child star pa lamang si Jillian Ward, hindi maikakaila na marami na ang humahanga sa kaniyang talento sa pag-arte na napanood sa ilang GMA shows.
Sa 2022 GMA inspirational-medical drama series na Abot Kamay Na Pangarap, muling napapabilib ni Jillian ang mga Kapuso sa kaniyang outstanding acting skills.
Napapanood sa serye ang Kapuso star bilang si Dra. Analyn Santos, ang genius na anak ni Lyneth (Carmina Villarroel) at ang pinakabatang doktor sa APEX Medical Hospital.
Bukod sa kaniyang taglay na kagandahan, nakakatanggap din siya ng papuri mula sa netizens tungkol sa kaniyang karakter bilang isang doktor.
Malayo at kakaiba man sa naging acting roles niya noon, kapansin-pansin na hindi binibigo ng teen actress ang kaniyang mga tagahanga.
Sa katunayan, usap-usapan ngayon ang husay niya sa pag-arte sa Abot Kamay Na Pangarap.
Sa episode highlights na mapapanood sa social media pages ng GMA Network, makikita ang positive comments ng viewers at netizens tungkol kay Jillian.
Kasama nina Carmina at Jillian sa Kapuso serye ang iba pang mahuhusay na mga aktor na sina Richard Yap, Dominic Ochoa, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Andre Paras, Wilma Doesnt, Chuckie Dreyfus, Ariel Villasanta, Denise Barbacena, Eunice Lagusad, at marami pang iba.
Abangan ang mas kapana-panabik na mga eksena sa inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso livestream.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: