
Sa katatapos lang na episode ng GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, muling nagkrus ang landas nina Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc RJ (Richard Yap).
Matapos ma-setup ng kaniyang kaibigan na si Josa para sa isang blind date, hindi inaasahan ni Lyneth na muli niyang makikita ang ama ng kaniyang anak na si Analyn (Jillian Ward) na noon ay pinagtabuyan siya.
Makalipas ang napakahabang panahon, muli silang nagkaharap ni Doc RJ Tanyag.
Ang muling pagkikita nina Tisay at Mr. Chinito ay labis na kinakiligan ng mga manonood.
Sa katunayan, ilang minuto matapos ipalabas ang episode ay naging usap-usapan sa social media ang eksenang ito.
Ayon pa sa ilang netizens, hindi na raw sila makapaghintay sa episode na ipapalabas bukas.
Bakit kaya gustong makausap ni Doc RJ si Lyneth?
Matitiis kaya ni Lyneth ang tunay na ama ni Dra. Analyn?
Alamin ang mga kasagutan sa on-air at online hit inspirational-medical drama na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng Abot Kamay Na Pangarap dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: