GMA Logo abot kamay na pangarap
Courtesy: docalvinfrancisco (IG) and dr. kilimanguru (FB)
What's on TV

Content creators na real-life doctors, mapapanood sa 'Abot Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published October 18, 2022 12:58 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sarah Discaya surrender not admission of guilt but legal strategy, says lawyer
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

abot kamay na pangarap


Abangan sina Dr. Alvin Francisco at Dr. Kilimanjaro Tiwaquen sa GMA medical drama na 'Abot Kamay Na Pangarap'!

Magiging mas exciting ang mga susunod na episodes na mapapanood sa trending drama series na Abot Kamay Na Pangarap!

Isa kasi sa mga araw na ito, mapapanood sa inspirational-medical drama ang ilang kilalang content creators na real-life doctors pa.

Sila ay sina Dr. Alvin Francisco at Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, ang mga doktor na mayroong napakaraming followers at fans sa social media.

Kamakailan lang, nag-upload ang dalawang doktor sa kanilang social media accounts ng ilang larawan nila habang kasama ang ilan sa cast ng programa.

Kabilang na rito ang bida sa naturang afternoon drama na si Jillian Ward na kasalukuyang napapanood bilang youngest doctor sa bansa na si Dra. Analyn Santos.

Si Dr. Alvin na isang radiologist ay mayroon nang mahigit 513,000 subscribers sa YouTube at 660,000 followers sa Facebook at mahigit 300,000 followers naman sa TikTok.

Samantala, si Dr. Kilimanjaro naman na isang licensed physician ay mayroon na ngayong 4.3 million followers sa TikTok at mayroong 3.3 million followers sa Facebook.

Ano kaya ang magiging role ng influencers na sina Dr. Alvin at Dr. Kilimanjaro sa serye?

Kabilang kaya sila sa mga magpapahirap kay Dra. Analyn habang nagtatrabaho ito sa APEX Medical Hospital? O kabilang sila sa mga bibilib sa batang doktor?

Mga Kapuso, inaasahan namin ang patuloy ninyong pagsubaybay sa GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapanood din ang programa via Kapuso livestream.

Maaari namang balikan ang mga nagdaang episode ng Abot Kamay Na Pangarap dito.

SILIPIN ANG SET NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: