GMA Logo Jillian Ward and Andre Paras
What's on TV

Jillian Ward has personalized handshake with her 'Abot-Kamay Na Pangarap' co-star Andre Paras

By EJ Chua
Published November 9, 2022 6:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Commissioner Rossana Fajardo, nagbitiw sa ICI
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Jillian Ward and Andre Paras


'Abot-Kamay Na Pangarap' stars na sina Jillian Ward at Andre Paras, close na close na sa isa't isa?

Bukod sa pag-aayang mag-TikTok, may panibagong paandar ang Abot-Kamay Na Pangarap lead star na si Jillian Ward sa isa sa kaniyang co-stars sa hit Kapuso serye.

Habang nasa taping ng serye, nagkasundo sina Jillian at ang aktor na si Andre Paras na magkaroon sila ng personalized at fun handshake tuwing sila ay magkikita.

Sa Instagram stories, makikita ang kulitan nila ng aktor habang pinapraktis ang kanilang handshake.

Kasalukuyang napapanood sina Jillian at Andre sa GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang mga doktor.

Ginagampanan ng teen actress ang role ni Dra. Analyn Santos, ang certified genius at pinakabatang doktor sa bansa.

Samantala, ang aktor naman na si Andre ay napapanood bilang si Dr. Luke Antonio, ang gwapo, charming, at Junior neurosurgery resident sa APEX Medical Hospital.

Kapansin-pansin na mas nagiging malapit ang loob ng cast ng serye sa isa't isa habang sila ay nasa set ng trending na GMA afternoon show.

Sa katunayan, ilang TikTok videos na ang nakolekta nila na kinagigiliwan ngayon sa social media.

Patuloy na subaybayan ang Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Maaari ring mapanood ang programa via Kapuso livestream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG SET NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: